^

Metro

Hawaan ng sakit sa evacuation center, pinaghahandaan ­

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Masusing minomonitor nga­yon ng mga  health offi­cials ng Manila City Hall ang kalusugan ng libu-libong pa­milyang nasu­nugan sa Isla Puting Bato na ngayon ay nasa  eva­cuation area sa Del Pan Sports Complex sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Dr. Benjamin Yzon, hepe ng Manila Health Department, 24 oras naka­antabay na  me­­dical team sa lugar na ina­tasan na magsa­gawa ng routine para masiguro na  may sapat na supply ng gamot ang eva­cuees.

Paliwanag ni Yzon, ka­­ ilangan na maagapan  ang mga sakit na maa­aring makahawa sa mga kapwa evacuees lalo pa’t  congested ang evacuation center.

Aniya, maging ang supply ng gamot na  kailangan para sa mga may ubo, skin  at res­piratory di­sease ay sapat kung kaya’t walang dapat na ipa­ngamba ang mga eva­cuees.

Umaabot sa 1,300 pa­milya ang nawalan ng tirahan sa Bgy. Isla Puting Bato sa Tondo. Ang  natu­rang lugar ay pag-aari umano ng Philippine Ports Authority (PPA).

Samantala, sinabi naman ni City Administrator Jesus Mari Marzan na naglagay na rin ng  mga basurahan at apat na portalet sa Del Pan upang  ma­iwasan ang mas lalo pang  pagdudumi ng  lugar.

Nabatid na  sa pali­gid na lamang ng sports complex iti­­natapon ng mga evacuees ang kanilang mga dumi.

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

DEL PAN

DEL PAN SPORTS COMPLEX

DR. BENJAMIN YZON

ISLA PUTING BATO

MANILA CITY HALL

MANILA HEALTH DEPARTMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with