MANILA, Philippines - Patay ang isang 40- anyos na ginang matapos na atakehin umano ng heat stroke sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Nakasubsob pa sa batya nang maabutang walang buhay si Monalisa Panti, ng Nia Road, Brgy. Pinyahan matapos na atakehin ng nasabing karamdaman.
Ganap na alas-4 ng hapon nang mapa-ulat ang pagkamatay ng biktima, habang ito ay nasa ikalawang palapag ng kanyang bahay.
Bago nito, dahil sa nararamdamang alinsa ngan, nagpasya si Panti na magpa-igib ng tubig sa kanyang anak para makapag-punas ng katawan at mapreskuhan.
Subalit, habang naghihintay sa pagbalik ng kanyang anak, biglang inatake ang biktima saka sumubsob sa batya at mawalan ng buhay.