Bus sinalakay ng mga holdaper

MANILA, Philippines - Bigo na namang masawata ng mga tauhan ng Pasay City Police ang mga kilabot na holdaper na su­masampa sa mga bus ma­karaang ma­tagumpay na malimas ang pera at iba pang gamit ng mga pasahero ng isang pampasahe­rong bus, kahapon ng hapon sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Pasay Police, naga­nap ang insidente da­kong ala-1:15 ng hapon habang bi­nabagtas ng CEMT Transport bus (TYR-578) ang ka­ha­baan ng EDSA sa may E. Rodriguez Street, Ma­libay, sa naturang lung­sod.

Nabatid na unang sumakay sa naturang bus ang anim na salarin sa may Roxas Boule­vard sa may Parañaque City. 

Nang sumapit sa nabanggit na lugar, naglabas ng pata­lim at baril ang apat sa mga ito at nagdeklara ng holdap habang tinutukan ng patalim­ ang driver na si Corbeta upang ipagpa­tuloy ang pagmamaneho.

Dito matagumpay na na­limas ng mga salarin ang pera, cellular phone at alahas ng mga pasahero at saka bumaba ng bus sa may bahagi ng Malibay, Pasay tungo sa may Malibay fly-over.

Show comments