Trike driver bulagta sa tandem
MANILA, Philippines - Iniwan na lamang nakabulagta at wala ng buhay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspect habang ang una ay sakay ng kanyang tricycle, sa Lungsod Quezon kamakalawa.
Dead-on-the-spot ang biktima na si Ridel Calica, 32, residente ng Fatima St. Happyland Subdivision, Doña Carmen, Brgy. Commonwealth, sa lungsod, matapos tambangan ng hindi nakikilalang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Nangyari ang krimen ganap na alas-4:30 ng madaling-araw sa Villonco Extension cor. Commonwealth Avenue. Brgy. Commonwealth habang minamaneho ni Calica ang kanyang tricycle nang bigla na lang pagbabarilin ng mga suspek na armado ng kalibre 45 sa ulo at likod na naging dahilan nang kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang naturang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa lugar, habang ini-report naman agad ng ilang saksi ang krimen sa Batasan Police Station, na ngayon ay nagsasagawa na ng pagtugis sa mga suspek. (with Keneth Punzalan -trainee)
- Latest
- Trending