^

Metro

Bus salpok sa pader: 34 sugatan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sugatan ang 34 na katao matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang pader sa Makati City kahapon ng umaga.

Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng mga pulis ang pangalan ng mga biktima na mabilis na dinala sa iba’t ibang ospital.

Sa inisyal na report na natanggap ng Makati City Police Traffic Enforcement Unit, naganap ang in­sidente sa pagitan ng alas-8:00 at alas-9:00 ng umaga sa South-bound lane ng EDSA Avenue, Brgy. Bangkal ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na minamaneho ni Manuel Mabago, ang isang New Man Gold Liner (TXR-847) na biyaheng Bac­laran-SM Fairview at pagbaba ng fly-over ay nawalan ng preno ang naturang bus, dahilan upang sumalpok ito sa isang konkretong pader ng Unisia Merchandising Incorporated.

Dahil sa lakas nang pagkabangga ay gumuho ang pader, dahilan upang madaganan ang nakaistambay na anim na empleyado ng naturang kompanya.

Bukod sa pagiging sugatan ng anim na empleyado, sugatan din ang 28 pasahero ng nabanggit na bus kabilang ang driver na si Mabago.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente.

vuukle comment

BANGKAL

BRGY

BUKOD

DAHIL

FAIRVIEW

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MANUEL MABAGO

NEW MAN GOLD LINER

UNISIA MERCHANDISING INCORPORATED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with