^

Metro

117 mag-aaral, guro nabiyayaan ng scholarship program ng Navotas

-

MANILA, Philippines - May 117   na nagsipagtapos ng elementarya at hayskul at maging mga guro na nagnanais magtapos ng Masteral Degree ang nabigyan ng “scholarship” sa ilalim ng iba’t ibang scholarship programs ng punong lungsod ng Navotas.

Mula sa 28 scholars noong nakaraang taon, lumobo ang bilang ng beneficiaries ng Navotas Scholarship Program ngayong taon ng halos apat na beses dahil sa suporta ng mamamayan, non-government organizations at business establishments sa lungsod.

Mahigit 1.7 milyon ang nalikom na donasyon sa nagdaang kauna-unahang “Takbo ni Juan Para sa Iskolar ng Bayan” na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco. Kalahating milyon o P 500,000.00 dito ang naggaling mismo sa bulsa ng kapuspalad   ngunit karapat-dapat na kabataang Navoteno.

Ani ni Tiangco, “sa tamang oportunidad, malayo ang mararating ng ating kabataan kaya marapat lamang na suportahan ng lokal na pamahalaan ang kanilang edukasyon.”

Ngayong bakasyon, may programa ring nakalaan para sa mga kabataang nangangailangan ng financial aid para sa dara­ting na pasukan.  Mahigit P7, 000.00 ang ma­aaring makuha ng 150 kabataang Navoteno ngayong summer vacation sa tulong ng Special Program for the Employment of the Students ng Department of Labor and Employment at Navotas City Government.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT OF THE STUDENTS

JUAN PARA

MAHIGIT

MASTERAL DEGREE

MAYOR JOHN REY TIANGCO

NAVOTAS CITY GOVERNMENT

NAVOTAS SCHOLARSHIP PROGRAM

NAVOTENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with