^

Metro

Abogado ng HLURB dedo sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang abogado ng Housing and Land Use Re­gulatory Board (HLURB) nang tinambangan ng riding-in-tandem suspect sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na  si Atty. Leonardo Jacinto A. Soriano­ dahil sa umano’y tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang abogado ay tinambangan habang sakay ng kanyang Toyota Altis na kulay itim (NZI-750) at papalabas ng compound ng HLURB na matatagpuan sa kalayaan at Mayaman St. Brgy. Teachers’ Village, pasado alas-5 ng hapon.

Base sa mga saksi, bago ang insidente, isa sa mga suspect ang nakitang nag-aabang sa paglabas ng biktima, habang naghihintay naman sa kanyang motorsiklo ang kasama nito.

Paglabas ng compound ay biglang lumapit ang naghihintay na suspect at pinagbabaril ang biktima na nakaupo sa driver’s seat. Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police sa nasabing insidente.

HOUSING AND LAND USE RE

KINILALA

LEONARDO JACINTO A

MAYAMAN ST. BRGY

PAGLABAS

PATAY

QUEZON

QUEZON CITY POLICE

SORIANO

TOYOTA ALTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with