^

Metro

Mag-asawang trader, tinodas sa motel

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natagpuang kapwa wala nang buhay sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang mag-asawang negos­yante sa tinuluyang kuwarto sa isang motel sa Parañaque City, kama­kalawa ng gabi.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .9mm na baril sa ulo ang 35-anyos na si Jonathan Mariano habang dalawang tama ng bala sa katawan naman ang tinamo ng misis nitong si Melody, 33, kapwa­ re­sidente ng Poblacion, Brookes Point, sa lalawigan ng Palawan.

Sa ulat ng Parañaque City Police, dakong alas-6:30 ng gabi nang madiskubre ng mga roomboy ng Sharmina Lodging House na matatagpuan sa 2947 Aguara St., Baclaran, ang bangkay ng mag-asawa.

Ayon sa attendant na si Alemar Tolalo, napansin niya ang bakas ng dugo na nanggagaling sa Room 308 na tinuluyan ng mag-asawa.

Agad na iniulat nito ang pagkakadiskubre sa guwardiya na si Notiba Orgay­ kung saan puwer­sahang binuksan ang pinto­ ng kuwarto at bumu­laga ang du­guang bangkay ng dalawang biktima.

Malaki ang paniwala ng mga imbestigador na pagnanakaw ang motibo ng naturang krimen dahil sa hindi na matagpuan ang mga pinamiling produkto ng mga biktima at maging ang kanilang mga pitaka at cellular phones.

Narekober naman ng mga tauhan ng SOCO ang apat na basyo ng bala ng kalibre .9mm na baril, ilang hibla ng buhok buhat sa kamay ng babaeng biktima na tanda na nanlaban ito.

Nabatid din na pabo­ritong tuluyan ng mag-asawang­ Mariano ang na­turang lodging house kapag lumuluwas sila para bumili ng mga produkto na kanilang dinadala at ibinibenta sa Palawan.

vuukle comment

AGUARA ST.

ALEMAR TOLALO

BROOKES POINT

CITY POLICE

JONATHAN MARIANO

NOTIBA ORGAY

PALAWAN

SHARMINA LODGING HOUSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with