^

Metro

Bagong laya, itinumba ng tandem

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na bagong laya ang hindi nakaligtas sa kamatayan makaraang pagbabarilin  ng riding-in-tandem, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at kili-kili ang biktimang nakilalang si Juan de Guzman, ng Santan St., Brgy. Fortune, ng naturang lungsod habang sugatan naman ang jeepney driver na si Melchor Magasalas, 50, makaraang madamay at tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na kalalaya pa lamang ng biktima buhat sa pagkakakulong sa Marikina detention cell makaraang mag­hain ng P100,000 bail bond.  Nabatid na nadakip si De Guzman dahil sa illegal possession of firearms and ammunitions ilang linggo na ang nakalilipas.

Kasasakay pa lamang ng biktima sa jeep na minamaneho ni Magasalas dakong alas-3:15 ng hapon sa may Gil Fernando Avenue, Brgy. Sta. Elena sa likod ng Marikina City Police nang biglang  sumulpot ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Agad na isinugod ang mga biktima sa Amang Rodri­guez Memorial Medical Center (ARMMC) ngunit tuluyang nalagutan ng hininga si De Guzman habang agad namang nilapatan ng lunas si Magasalas na tinamaan ng bala sa balikat.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidenteng ito at sa pagkakakilanlan sa suspek upang mabatid ang motibo sa pamamaslang.

AMANG RODRI

BRGY

DE GUZMAN

GIL FERNANDO AVENUE

MAGASALAS

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MELCHOR MAGASALAS

MEMORIAL MEDICAL CENTER

SANTAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with