Disk jockey natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang disk jockey ang natagpuang patay na tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa loob ng isang kainan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rammie Iñigo, 39, stay-in sa #155 Roose velt Avenue, Brgy. Da mayan sa lungsod.

Ang biktima ay natagpuan  ng kasamahan sa trabaho ni Danilo Rodri guez, sa loob ng Chibugan at Tambayan ni Tata Criz sa Brgy. Damayan ganap na alas- 7 ng gabi.

Sinasabing bubuksan sana ni Rodriguez ang nasabing kainan nang bumulaga ang biktima sa barracks na duguan at wala ng buhay.

Samantala, lumi litaw sa imbestigasyon ni Qui sumbing na hu ling nakitang buhay ang biktima, habang nakikipagtalo umano sa isang Guest Relation Officer (GRO) na nakilala sa pangalang Rose, ganap na alas-4 ng hapon.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Ricky T. Tulipat with trainee Jade Canquin)

Show comments