MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga awtoridad kung sino ang responsable sa pamamaslang sa isang truck driver na binaril at na patay habang natutulog kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Celerino Odtu jan Jr., 46, at tubong Kina ma ligan, Masbate City.
Ayon sa ulat, pasado alas-12:00 ng madaling- araw nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay malapit sa kanyang minamanehong truck na nakaparada sa panulukan ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo.
Bago ito, nakipag-inuman umano ang biktima kasama sina Jerry Dela Cruz at Ryan delos Santos. Matapos ang inuman ay ipinasya ng biktima na magpahinga sa kanyang service truck habang sina Dela Cruz at Delos Santos ay nag tu ngo naman sa isang ma liit na bahay para matulog.
Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay nakarinig umano ng putok ng baril sina Dela Cruz at Delos Santos at doon nila nakita ang duguang biktima.