^

Metro

Suspect sa pamamaril sa parak, utas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang lalaki na hinihinalang suspect sa pamamaril sa isang pulis-Maynila  ang na­patay sa loob ng tinutuluyang motel habang nakatakas ang kasama nito sa Sta Cruz, Manila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Angie Del Prado, 35 ng  Yakal St., Tondo, Maynila.

Si Prado ay inginusong suspect sa pagbaril kay PO2 Julius Barrientos, MPD-Station 3 at kasalukuyan pang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tama ng bala sa  katawan.

Ayon sa ulat,  dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Room 301 ng Cats Inn sa 1618 Batangas St., Sta Cruz, Manila.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng MPD-District Police Investigation Ope­ration Unit (DPIOU) na ang suspect ay naglulungga sa nasabing motel.

Bunsod nito, isinagawa ang pag-aresto at sa pagsalakay sa nasabing kuwarto ay nabaril ang suspect.

Nakatakas naman ang kasamahan nito na naka-check in sa Room 101 matapos na basagin nito ang bintanang salamin at dumaan sa fire exit. 

vuukle comment

ANGIE DEL PRADO

BATANGAS ST.

CATS INN

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DISTRICT POLICE INVESTIGATION OPE

JULIUS BARRIENTOS

MAYNILA

SI PRADO

STA CRUZ

YAKAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with