Public swimming pool sa Maynila binuksan
MANILA, Philippines - Wala ng dahilan upang maligo pa ang mga residente ng Maynila sa maruming Manila Bay at Pasig River. Ito’y matapos na isa pang pampublikong swimming pool ang pinasinayaan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim para sa mga residente na nais na magbabad sa tubig at labanan ang init ng panahon.
Kasama sina parks and recreations bureau chief Engr. Deng Manimbo at Engr. Armand Andres, personal na tinignan ni Lim ang bagong gawang Jacinto Ciria Cruz sa Pandacan, Manila, na may kumpletong comfort rooms at shower rooms ng babae at lalaki, life boats at life guard.
Ang nasabing pool ay kabilang sa dalawang public swimming pool na inayos ng city government. Nabatid na inayos na rin ang filtration system, kung kaya’t mistulang nasa private pool ang mga lumalangoy.
Kabilang sa mga swimming pool sa lungsod ay ang Arturo Tolentino Sports Complex sa Instruccion Sampaloc St. (dating Dapitan Sports Complex) sa District IV; Bagong Buhay Swimming Pool sa Pedro Gil St., sa harap ng La Concordia College sa District V; at ang Army Navy Club sa Kalaw sa Roxas Blvd, sa District V at JCC Jose Cyria Cruz sa Selya St., Pandacan malapit sa Plaza Balagtas sa District VI.
- Latest
- Trending