^

Metro

Akyat-bahay patay sa pulis

-

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Akyat-bahay gang ang patay matapos barilin ng isang kagawad ng pu­lisya nang tangkain ng una na saksakin ang huli makaraang maaktuhang nagnanakaw sa kanyang tindahan kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang suspect na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa taas na 5’4, moreno, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay pulang T-shirt na may tatak na Lee USA at  kulay checkered na brown short pants, at may tattoo ng scorpion sa tiyan at chinese character sa kaliwang paa.

Ang suspect ay nabaril ng pulis na si SPO1 Hector De Veyra, ng no. 48 Road 1, Brgy. Project 6, Quezon City ganap na alas-3:35 ng madaling araw sa mismong sari-sari store ng huli.

Nabatid na mahim­bing na natutulog ang pa­milya De Veyra nang makatanggap ang pulis ng tawag mula sa kanyang kapitbahay na nagsusumbong na may lala­king pilit na pumasok sa kanyang sari- sari store. 

Agad na pumunta si De Veyra sa nasabing sari­sari store at napansin na sira ang kandado ng pintuan nito. Pagpasok nito sa loob ay tumambad sa kanya ang suspect at tinangka siyang saksakin.

Mabilis na nakaiwas sa saksak si De Veyra, saka binunot ang kanyang baril at pinaputukan ang suspect sa katawan, saka tumawag ng back up mula sa  DPIOU- QCPD.

Agad namang rumes­ponde ang nasabing aw­­toridad at dinala ang suspect sa East Avenue Medical Center, kung saan alas-4:15 ng madaling araw ay idineklara itong patay ni Dr. Melissa Babida. (Ricky T. Tulipat with trainee Kristel Vergara)

CRIMINAL INVESTIGATION

DE VEYRA

DETECTION UNIT

DR. MELISSA BABIDA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HECTOR DE VEYRA

KRISTEL VERGARA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with