Las Piñas police wala pang lead sa dinukot na shipping executive

MANILA, Philippines - Blangko pa rin ang Las Piñas City Police sa pagkakakilanlan ng gru­­pong dumukot sa isang manager ng isang shipping company na di­nukot ng mga armadong lalaki habang nagbibisikleta ka­makalawa ng uma­ga sa naturang lungsod.

Bagama’t nakasuot ng uniporme ng Philip­pine National Police, si­­nabi ni Las Piñas City Police chief, Sr. Supt. Ro­mulo Sapitula na wala pang kumokontak sa pa­­milya ng biktimang si Vincent Cordero, 27, kaya hindi pa nila ma­laman kung anong kla­seng grupo ang tuma­ngay dito at kung ano ang motibo. Si Cordero ay manager ng Shogun Ships Corporation Inc. na nasa domestic shipping.  

Sinabi nito na kung agad na nakipag-ugna­yan ang mga salarin at nanghingi ng ransom ay agad nilang maeestablisa na “kidnap-for-ran­som” ang pakay ng mga ito.

Matatandaan na di­ nukot ng anim hanggang pitong lalaki si Cordero dakong alas-7 kamaka­lawa ng umaga habang nagbibisikleta ito sa kahabaan ng Daang Hari Street, Brgy. Almanza 2, ng naturang lungsod.

Lulan ng isang puting Mitsubishi Adventure na may plakang WVX-237 ang mga suspect na sa­pi­litang tumangay sa biktima.

Patuloy naman ang koordinasyon ng pu­ lisya sa pamilya ng biktima.

Show comments