^

Metro

Kalamidad sa Maynila, tutugunan ng MMDRRM

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan na magiging epek­tibo ang pagbibigay ng serbisyo at tulong sa mga mangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Ang paniniyak ay ginawa ni Marzan, matapos ang pagsasagawa ng unang pulong ng mga opisyal at miyembro ng Metro Manila Disaster and Risk Reduction Manage­ment (MMDRRM).

Sa utos ni Manila Mayor Alfredo Lim, sinab­i ni Marzan na layunin ng pulong na maibahagi ng bawat opisyal at miyembro ang kanilang sistema at tama ng gawin sa pa­nahon ng krisis.

Kabilang sa mga naging resource person ay sina United Nations International Strategy for Disaster Reduction Regional Programme Officer Abhilash Panda; Earthquakes and Mega­cities Initiative chairman, Dr. Fouad Bendimerad; at Makati City Senior Advisor, Atty Violeta S. Seva.

Ayon kay Marzan, ang bawat lungsod ay dapat na makipag-ugna­yan at makiisa dahil iisa lamang ang layunin na mailigtas ang buhay ng isang tao.

“Cities should coordinate and cooperate, kasi iisa lang ang layunin natin, to save lives. We must prevent accidents, mas maraming ma-save, mas malaki ang impact, mas makabubuti para sa lahat” ani Marzan.

Paliwanag ni Marzan na maraming lungsod ang bumili ng iba’t ibang kagamitan noong bagyong Ondoy, kung kaya’t kailangan na ma­ging handa lalo pa’t wala namang nakakaalam kung kailan darating ang kalamidad.

Nabatid kay Marzan na plano ng city govern­ment na magtayo ng da­lawang “evacuation cen­ters” sa BASECO at Del Pan kung saan kokonsultahin ang MMDA. Umaabot sa 50,000 ang populasyon ng BASECO.

vuukle comment

ATTY VIOLETA S

DEL PAN

DISASTER REDUCTION REGIONAL PROGRAMME OFFICER ABHILASH PANDA

DR. FOUAD BENDIMERAD

EARTHQUAKES AND MEGA

MAKATI CITY SENIOR ADVISOR

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MARZAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with