^

Metro

Koleksiyon ng BOC tumaas, sistema gumanda

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Matapos ang maigting na kampanya laban sa mga smuggler kung saan kasabwat ang ilang opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC), patuloy na nagiging maayos at tuma­taas ang koleksiyon ng kawanihan dahil sa pamamahala ni Custom Commissioner Ruffy Biazon.

Bukod sa inilunsad na giyera ni Biazon laban sa smugglers, marami ring kawani ang nagsitino at umiwas na sa pakikipagsabwatan sa mga gumagawa ng iligal sa BOC.

Subalit may ilang pa ring indibidwal na sadyang ginagamit ng mga tiwali para wasakin ang kampanya ni Biazon.

Kabilang na dito ang isang retiradong pulis na umano’y naging kolektor ng jueteng, na alyas“Mauro” kasama ang kanyang side kick na si “Elmu M” na nagpapakilalang taga-BOC kasabwat ang isang kawani ng BOC na alyas “Jim Negro”.

Nabatid na si “Mauro” umano ay minsang ipinakiusap ng isang Manila Police official na makapasok sa BOC dahil magagamit daw itong si “Mau Noris” na taga-ikot ng hindi pa si Biazon ang nakaupo sa Aduana.

Ayon sa source, may mga gumagamit na ilang tiwaling BOC official kay “Mauro” bilang kanilang taga-ikot sa players. Ang ganitong bulok na estilo ay hindi pinahihintulutan ni Biazon.

Napag-alaman na patuloy ang umano’y panghihingi ng tara sa mga player ni “Mauro” kung saan kinakaladkad pa nito ang pangalan ni Biazon bukod sa ginagawang pambabraso.

Sa ngayon, may inihahandang plano ang mga kinauukulan sa BOC para masupil na ang kalokohan ni “Mau Noris” at ng kanyang mga kasabwat sa kawanihan.

Lumilitaw na hindi lang din si “Mauro” ang salot sa BoC kundi maging ang mga nag­nga­­ngalang “Tere”, “Lex” at isang “Rico M”na nagpapakilalang malapit sa pamilya Biazon.

BIAZON

BOC

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOM COMMISSIONER RUFFY BIAZON

MAU NORIS

MAURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with