Fetus natagpuan sa basurahan

MANILA, Philippines - Isang babaeng fetus na hinihinalang ipinalaglag ng kanyang ina ang natagpuan ng street sweeper habang nangongolekta ng  ba­sura sa Quezon City kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 10, tinatayang nasa pito hanggang walong buwang gulang ang fetus at nakasilid sa isang plastic nang matagpuan sa panulukan ng Kamias Road at Maliksi St., Brgy. Pinyahan ganap na alas 9:30 ng umaga.

Sinasabing isang Yvonne Macalde, 45, street sweeper ang nakakita sa nasabing fetus na agad na ipinagbigay alam ang insidente sa mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente upang matukoy ang nagtapon nito.

Show comments