^

Metro

3 pulis-Las Piñas, kinasuhan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong pagnanakaw ang tatlong tauhan ng Las Piñas City PNP matapos akusahan ng mga pulis-Pasay City na sinasabing tumangay ng malaking halaga at ari-arian sa  loob ng bahay na kanilang sinalakay noong Sabado ng gabi sa Pasay City. Ibinatay ni PO3 Rodolfo Suquina, Jr. ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City PNP ang paghahain ng kaso sa Pasay City Prosecutors Office laban kay PO3 Ronaldo Anglio at dalawa pang kasamahang pulis na hindi pa nakikilala sa unang reklamo ng biyudang si Maria Rebalde, 56, ng Block 4 Lot 8 Saint Rita St. Barangay Maricaban, Pasay City. Sa salaysay ni Rebalde, naganap ang pagsalakay sa kanyang bahay dakong alas-11:30 ng gabi noong Sabado kung saan nagsagawa ng operasyon laban sa iligal na droga ang mga pulis-Las Piñas City. Sinasabing pinasok ni PO3 Angio kasama ang dalawang nakasibilyang pulis ang kanyang bahay at puwersahang winasak ang kandado ng pinto kung saan hinalughog ang kanyang kuwarto. Matapos ang ginawang pagsalakay, natuklasan ni Rebalde na nawawala na ang P25,000 cash at P17,000 na halaga ng cellphone na ipinadala sa kanya ng anak na nagtatrabaho sa Japan.

vuukle comment

CITY

LAS PI

MARIA REBALDE

PASAY CITY

PASAY CITY PROSECUTORS OFFICE

REBALDE

RODOLFO SUQUINA

RONALDO ANGLIO

SABADO

SAINT RITA ST. BARANGAY MARICABAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with