Internet shop nilooban

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.150 milyong ari-arian ang nata­ngay matapos looban ang Internet shop sa Raymundo Avenue sa Barangay Sagad sa Pasig City kahapon ng madaling-araw. Ayon kay P/Senior Insp. Cesario Tubog, tinangay ng mga di-kilalang lalaki ang siyam na yunit ng computer at anim na monitor na pag-aari ni Bernabe Servaz, 42, ng #34 Mimosa Street, Greenwoods Executive Village sa Barangay Pinagbuhatan. Nadiskubre ang nakawan dakong alas-4:54 madaling-araw matapos mamataan ng street sweeper na si Herman Velasco na wasak ang padlock ng shop. Kaagad naman rumesponde ang pulisya kung saan nadiskubreng bukas ang pintuan ng 3BF Electronics Trading and Services na pag-aari ni Servaz.

Show comments