^

Metro

3 tiklo sa pampalaglag na gamut

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao na sinasabing bigtime supplier ng gamot na cytotec ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Iniharap kay Manila Mayor Alfredo Lim  ang mga suspek na sina  Majid Khan, 34, ng Purok 6, Barangay Alabang Muntinlupa City; Subha Ali, 36;  at si Gracelyn  Baldo, 29, kapwa nakatira sa Rm. #1221, 12th floor Central Park Condominium, Bangkal, Makati City.

Sina Khan at Ali ay kapwa Pakistani na siyang  nagsusupply ng cytotec sa Metro Manila at sa ilang bayan sa Cebu.

Ayon kay P/Chief Insp. Joselito Von Possel, hepe ng  Quiapo-PCP  ang  tatlo ay sinampahan  ng kasong paglabag sa RA 9711 illegal selling of abortive pills at RA 5921 Anti-Pharmaceutical Act.

Maraming kaso na ang natatanggap ng pulisya kaugnay sa malawakang bagsakan ng cytotec sa paligid ng Quiapo Church kung saan kinokondena ni Monsignor Clemente Ignacio, parish priest ng  Minor Basilica ng Black Nazarene.

Matapos ang surveillance ay inilatag ang buy-bust operation ng pangkat ni P/Supt. Ricardo Layug laban sa mga suspect na agad  namang nakipagtransaksiyon.

Nagpanggap na poseur buyer si PO3 Froilan Peter Arboleda sa mga suspect kung saan naaresto sa  fastfood chain sa panulukan ng Quezon Blvd. at P. Paterno Street sa Quiapo  ang mga suspek.

Nasamsam ang 2,000  pampalaglag na gamot  na may brand name na arthrotec 50 kung saan may street value na P.1milyon.

ANTI-PHARMACEUTICAL ACT

BARANGAY ALABANG MUNTINLUPA CITY

BLACK NAZARENE

CENTRAL PARK CONDOMINIUM

CHIEF INSP

FROILAN PETER ARBOLEDA

JOSELITO VON POSSEL

MAJID KHAN

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with