2 komadrona tiklo sa abortion

MANILA, Philippines – Kalaboso ang dalawang kumadrona na isina­sangkot sa abortion makaraang madakip ng mga pulis sa inilatag na entrapment operation sa bahagi ng Brgy. Old Balara, Quezon City kahapon. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Thelma I. Espina, 63 at Sally B. Palomata, 43, kapwa naninirahan sa Laura St., Brgy. Old Balara Diliman, Quezon City. Ayon kay PO3 Salvador Jr., naaresto ang dalawa matapos na humingi ng ayuda ang programa sa telebisyon dahil sa pagkakasangkot ng mga suspek sa abortion. Nabatid na nagpanggap na buntis ang isang pulis na babae kung saan handang magpalaglag sa mga suspek. Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay isinailalim na sila sa entrapment operation ng pulisya kung saan naaktuhan sa isasagawang abortion. (Ricky Tulipat, Mira Thea Alvarez-trainee)

Show comments