^

Metro

2 holdaper ng mga bading, arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan na sinasabing nangho­holdap ng mga bading sa loob ng mga mall matapos madakma ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rey Magdaluyo ang mga suspect na sina Jonathan Laga­diya at Mark Cahuyan.

Sinabi ng opisyal, ang mga suspect ay na­aresto base sa reklamo ng ilang biktima sa Robinson’s Galleria.

Isiniwalat ng ilang biktimang bading na tinakot sila ng mga suspek na iiskandaluhin kapag hindi ibi­nigay ang alahas na suot at cash.

Gayon pa man, isa sa biktima ang nakahingi ng tulong sa mga security guard ng mall kung saan ipinaaresto ang mga suspect.

Sa presinto, iti­nanggi­ naman ng mga suspect ang akusas­yon ng mga biktimang bading.

Binalewala naman ng CIDG ang alibi ng mga suspect dahil sa estilo ng kanilang modus operandi na ilang ulit nang naaresto sa kahalintulad ng kaso. 

Pangunahing mo­dus ng dalawa na ta­ku­tin ang biktima na iiskandaluhin na may naganap na sex sa cubicle sa loob ng palikuran.

Sa takot ng biktima na mapahiya ay mapipilitan na lang itong ibigay ang hinihingi ng mga suspect.

BINALEWALA

CHIEF INSP

GAYON

JONATHAN LAGA

MARK CAHUYAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

REY MAGDALUYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with