Magka-live-in inutas sa piyestahan

MANILA, Philippines - Napaslang ang magka-live-in matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa piyestahan sa Barangay Malanday, Marikina City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Graciano Cariño, 40; at Monica Garcia, 39, kapwa naninirahan sa #17 A. Dela Paz St., Pasig. Sa inisyal na ulat ng Marikina City PNP, naganap ang pamamaril dakong alas-5:15 ng hapon sa panulukan ng Reposo St. at Kabayani Road. Nabatid na dumalo sa piyestahan­ sa isang kaibigan ang dalawa kung saan ma­tapos na kumain ay nagpaalam na ito. Subalit nang pasakay na ng motorsiklo ay nilapitan at niratrat ang da­lawa. Sinisilip ng pulisya ang anggulong sigalot sa bawal na droga ang isa sa motibo sa pamamaslang dahil sa sina­sabing nasangkot sa bawal na droga si Garcia.

Show comments