^

Metro

Taxi driver utas sa holdaper

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isa na namang taxi driver ang iniulat na napatay sa naganap na holdapan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Fernando T. Gonzales, 48, ng Block 64 Luningning Street sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Ayon kay PO3 Vicben Padua, ganap na alas-12:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahagi ng Tandang Sora Avenue sa panulukan ng Commonwealth Avenue.

Sinasabing ang biktima ay natagpuan na lamang ni Iris Martinez, isa sa mga red Cross team ilang metro ang layo sa nasabing taxi (UVR-151).

Ayon sa pulisya, pinaniniwalaang nanlaban ang biktima sa holdaper at hinabol ito habang papatakas kung saan siya sinaksak.

Nagtamo ng tama ng saksak sa kanang dibdib ang biktima at naitakbo pa sa East Avenue Medical Center­ (EAMC), pero idinekla­rang patay. Natagpuan ang driver’s­ license at cellphone ng biktima sa nasabing taxi.

AYON

BARANGAY GREATER LAGRO

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FERNANDO T

IRIS MARTINEZ

LUNINGNING STREET

QUEZON CITY

TANDANG SORA AVENUE

VICBEN PADUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with