Simbahan itatayo sa Baseco
MANILA, Philippines - Matapos ang pagpapatayo ng elementary, high school health center at playground, itatayo naman ang isang simbahan sa Baseco Cmpd. matapos isagawa ang isang groundbreaking ceremony kahapon ng umaga. Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang seremonya matapos ang isang misa na dinaluhan din ng ibang city officials at mga residente. Ayon kay Lim, ito na ang katuparan ng pangarap ni Bishop Roderick Pabillo na maitayo ang isang simbahan para sa mga residente ng Baseco. Aniya, ang pananampalataya ng bawat isa ay hindi dapat nawawala at sa halip ay dapat na pinagtitibay upang mas malabanan ang hamon sa buhay. Sinabi naman ni Brgy. Chairman Kristo Hispano, mapalad ang Baseco dahil prayoridad ito ni Lim at maging ni Pangulong Noynoy Aquino. Layon nina Aquino at Lim na mabago ang pamumuhay ng mga residente rito. Kasama sa mga dumalo sina Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman, City Administrator Jay Marzan, 1st District Councilor Niño dela Cruz, 5th District Councilor Josie Siscar at mga hospital director.
- Latest
- Trending