^

Metro

2 katao pisak sa bus, SUV

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay matapos na mabangga ng bus at sports utility vehicle sa magkahiwalay na in­sidente kahapon ng umaga sa Quezon City at Makati.

Dead-on-the-spot si Joel Monreal,17, ng Cembo Makati City makaraang mabangga at magulungan ng bus sa kahabaan ng EDSA, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 6, nangyari ang insidente sa harap ng Trinoma, North Edsa ganap na alas-7 ng umaga.

Sakay umano ang biktima ng kanyang motorsiklo at tinatahak ang nasabing lugar nang mahagip ng Del Carmen bus (PWW-798) na minamaneho ni Lucio Santos.

Dahil hindi umano alam ni Santos na nahagip niya ang biktima ay dumiretso pa ito ng andar hanggang sa magulungan pang muli.

Dakong alas-5 naman ng umaga nang mabundol ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV) ang isang babae na hinihinalang may diperensya sa pag-iisip sa gitna ng EDSA sa Makati City.

Hindi naman huminto ang naturang sasakyan na kulay gold at dumiretso sa pagtakas pa south-bound lane.

 Nabatid na ilang beses pang nagulungan at nakaladkad ng iba pang behikulo ang katawan ng biktima sanhi upang magkalasug-lasog ito.

Isang saksi naman na motorista rin ang nakakuha sa plaka ng SUV na unang nakabangga sa biktima ngunit hindi muna inihayag ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) habang binibe­ripika pa sa Land Trans­portation Office (LTO) angnagmamay-ari rito.

Ayon naman sa mga tindero sa naturang lugar, tila may sira sa pag-iisip ang biktima na nakitang kaswal lamang na naglalakad pabalik-balik sa gitna ng EDSA kung saan iniiwasan pa ito ng mga motorista hanggang sa tuluyang mabangga na.

CEMBO MAKATI CITY

DEL CARMEN

JOEL MONREAL

LAND TRANS

LUCIO SANTOS

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NORTH EDSA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with