MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding selos sa kapitbahay na lalaki ang isa sa motibo kaya nagbigti ang 42-anyos na mister sa loob ng kanilang tahanan sa Malate, Maynila kahapon ng hapon. Kinilala ni PO1 Francisco Mendoza ng Manila Police District-Homicide Section ang nag-suicide na si Jose Ofelena, pedicab driver, ng #1927 Campillo St., Malate. Base sa police report, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa kanyang 15-anyos na anak na lalaki. Bandang ala-una ng hapon nang matagpuang nakabitin ang biktima kung saan bago mag-suicide nito ay sinasabing nakipag-away pa sa kanyang misis.