Bawal maningil sa mga palikuran

MANILA, Philippines - Nilagdaan ni QC Mayor Herbert M. Bautista  ang ordinansa para ganap na maging batas ang pagbabawal na maningil sa mga matatanda, buntis at may kapansanan sa paggamit ng palikuran sa mga business establishment. Sa ilalim ng ordinansa, magmumulta ng P5,000 o kaya kulong ng halos isang taon ang sinumang indibidwal o may-ari ng establisimento na lalabag sa nasabing ordinansa. Dapat ding nakalagay sa mga palikuran ng mga business establishment ang katagang “senior citizens of Quezon City, persons with disability and expectant mothers are free of charge. May parusa rin kapag hindi naglagay ng signage para rito ang mga may-ari ng establishment. Karamihan sa mga establisimiento ay sumisingil ng P10.00 sa palikuran partikular sa mga malls para sa maintenance.  

Show comments