Murder suspect arestado

MANILA, Philippines - Dahil sa  simpleng paglabag sa ordinansa,  nadiskubre ng mga awtoridad na wanted sa kasong murder ang  25- anyos na mais vendor na miyembro ng Sigue-Sigue Commando Gang sa Tondo,  Maynila, kahapon ng umaga.

Sa halip na ipagharap lamang ng paglabag sa ilang city ordinance dahil sa paggala-gala at umiinom sa  labas ng tahanan na hindi naka t-shirt, senglot at may dalang patalim, ipaghaharap na rin sa Manila Prosector’s Office ng kasong murder matapos positibong ituro ng testigo ang suspect na si Noel Mendoza Esterio ng Area A Gate 3, Parola Compound,Tondo.

Ayon kay P/Supt. Alexander Navarette, hepe ng  Manila Police District-Station 1, kakasuhan ang suspek sa pamamaril at pagpatay kay Nescel Gato noong Pebrero19, 2012  sa nabanggit ding lugar.

Positibong kinilala ng mga testigong  sina Marcel­ Sentorias at isang alyas Reacel, ang suspek na bumaril at nakapatay kay Gato.  

Show comments