Murder suspect arestado
MANILA, Philippines - Dahil sa simpleng paglabag sa ordinansa, nadiskubre ng mga awtoridad na wanted sa kasong murder ang 25- anyos na mais vendor na miyembro ng Sigue-Sigue Commando Gang sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa halip na ipagharap lamang ng paglabag sa ilang city ordinance dahil sa paggala-gala at umiinom sa labas ng tahanan na hindi naka t-shirt, senglot at may dalang patalim, ipaghaharap na rin sa Manila Prosector’s Office ng kasong murder matapos positibong ituro ng testigo ang suspect na si Noel Mendoza Esterio ng Area A Gate 3, Parola Compound,Tondo.
Ayon kay P/Supt. Alexander Navarette, hepe ng Manila Police District-Station 1, kakasuhan ang suspek sa pamamaril at pagpatay kay Nescel Gato noong Pebrero19, 2012 sa nabanggit ding lugar.
Positibong kinilala ng mga testigong sina Marcel Sentorias at isang alyas Reacel, ang suspek na bumaril at nakapatay kay Gato.
- Latest
- Trending