^

Metro

5 katao bulagta sa holdap

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang isang pulis ang ini­ulat na napaslang habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos makipagbarilan ang grupo ng holdaper sa mga alagad ng batas sa Quezon City kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ni QCPD di­rector P/Chief Supt. Mario dela Vega ang na­sawing pulis na si PO3 Erwin Hipolito, 50, may-asawa, nakatalaga sa QCPD Station 5; Ramilo Due, 49, ng Sampaloc Ext., Lawan, Quezon City at ang tatlong holdaper na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sugatan naman si PO1 Syril Agitong ng QCPD Station 5 na gina­gamot sa FEU Hospital; at Gerry Igama, 49, may-asawa, nagtatrabaho sa upholstery, ng #696 Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa ulat ng QCPD Criminal Investi­gation and Detection Unit, naganap ang holda­pan dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng Regalado Ave. sa Brgy. North Fairview.

Base sa ulat ni SPO2 Antonio Galauran Jr., nagdeklara ng holdap ang mga di-kilalang kalalakihan sa pampasaherong jeepney ni Due kung saan natangayan ng mga gamit at cash ang apat na pasahero nito habang binabagtas ang north bound line ng Regalado Avenue.

Dito na namataan ni Due ang nagpapatrol­yang mobile car kaya mabilis nitong inihinto ang kanyang jeepney saka humingi ng saklolo.

Gayon pa man, nairita ang mga holdaper kaya pinagbabaril ang driver na si Due kung saan nagpulasan naman palabas ng jeepney ang mga pasahero.

Kaagad na sumiklab ang putukan sa pagitan ng mga pulis at grupo ng armadong holdaper kung saan bumulagta ang tatlong holdaper habang napatay naman si PO3 Hipolito.

Samantala, dalawa sa limang holdaper naman ang nakatakas habang nagaganap ang barilan.

ANTONIO GALAURAN JR.

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTI

DETECTION UNIT

ERWIN HIPOLITO

GERRY IGAMA

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

RAMILO DUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with