Binigti o nagbigti?

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan pa ng pulisya kung binigti o nagbigti ang isang 62-anyos na guwardiya matapos itong matagpuan sa loob ng banyo sa Caloocan City kamakalawa. Nakilala ang biktima na si Felipe Itliong Jr.,  nakatira sa  Baesa Road, Sta. Quiteria, Quezon City. Sa inisyal na report ng Caloocan City Police,  dakong alas-2:00 ng hapon nang matagpuang nakabigti  ng alambre ang biktima ng ka-live-in  nito na si Hulita.  

Show comments