Nagbabagong-buhay pinatay

MANILA, Philippines - Hinihinalang pinaslang ng mga dating kasamahan sa kinaanibang sindikato ng mga holdaper ang isang lalaki na umano’y nagbabagong-buhay nang pagbabarilin ito sa harap ng kanyang tahanan, kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Alabang Medical Clinic ang biktimang si Goefrey Poblete, 30, dating residente ng #7-A Ilaya St., Alabang, Muntinlupa sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ng Muntinlupa police, naganap ang insidente ng pamamaril dakong alas-2 ng madaling-araw habang nakatayo sa harapan ng kanilang bahay ang biktima.  Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo makaraan ang pamamaril.

Ayon naman sa pulisya, may mga nakabinbing kaso ng robbery-snatching ang biktima at matagal umanong nagpa­lamig sa paggawa ng illegal na aktibidad. Malaki umano ang posibilidad na may atraso sa dating kinaaanibang sindikato ang nasawi at kumalas sa grupo ngunit hindi ito pinaligtas ng mga dating kasamahan kaya ito nilikida.  

Show comments