Kelot dedo sa boga

MANILA, Philippines - Inaalam pa ng mga awtoridad ang  motibo, gayundin ang pagkakakilanlan ng  suspect na bumaril at pumatay sa isang  lalaki na sakay ng  motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Tama sa dibdib ang iki­namatay ni Danilo Santos, 30, ng #69 Judge A. Roldan St., Brgy. San Roque, Navo­tas City.

Batay sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa Pampano St., Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng nasabing siyudad.

Lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo (PI-5183) at binabagtas ang nasabing lugar nang pagbabarilin ito  ng suspect.

Matapos ang insi­dente, mabilis na tumakas ang suspect habang nakuha ng mga pulis sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang .45 kalibre na baril.

Show comments