MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila City Jail (MCJ) na makaboboto na sa May 2013 elections ang mga inmate dito matapos na isagawa ang registration na sinaksihan ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) at barangay.
Ayon kay MCJ Warden Sr. Supt. Ruel Rivera, umaabot sa 794 inmates ang nakapagparehistro at handa nang iboto ang kanilang mga pagkakatiwalaang mamumuno sa bansa sa susunod na taon. Sinabi ni Rivera na 1116 pang mga inmates ang nakatakdang magparehistro sa susunod na buwan. Umaabot sa 1910 ang registrants ng MCJ.
Nabatid na ang mga detainees ay kinabibilangan ng 513, District 1; 376, District 2; 304, District 3; 255, District 4; 291, District 5; at 171 sa District 6. Paliwanag ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, may karapatan pa rin ang mga inmates na bumoto at hindi maaaring ipagkait ito sa kanila. Kasama ni Sarmiento sina Atty. Jubil Surmieda, Director III, Comelec NCR Atty. Rafael Olano, Asst. Director Comelec NCR at Brgy. Chairman Thelma Lim ng Brgy. 310 Zone 31.