MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng basurero na nakasilid sa kahon na pinaglagyan ng personal refrigerator at iniwan sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang lalaking inilarawan ni SPO4 Virgo Villareal ng Manila Police District-Homicide Section na nasa edad 35-40 may taas na 5’, maikli ang buhok, nakasuot ng kulay asul na shorts at may tatlong saksak ng icepick sa dibdib.
Ani Villareal, nababalutan ng packaging tape ang mukha at kamay ng biktima.
Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa safekeeping.