^

Metro

2 pulis-kotong sinuspinde

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inutos ni Manila Mayor Alfredo S. Lim  ang pagsuspinde sa dalawang pulis na nakatalaga sa MPD-Station 5  na isinangkot sa kasong hulidap laban sa dalawang Koreano noong  Abril 7 sa Malate, Manila.

Sa utos ni MPD Director P/Chief Supt. Alex Gutierrez, pinasususpinde nito sina PO2 Reynaldo Faller Olivo, 37, ng Blk. 5 Lot 11, Model Community sa Tondo, Manila at PO1 Vincent Paul Ubaldo Medina, 26, ng  #2253 F. Muñoz St., Singalong, Malate, habang isinasagawa ang summary dismissal proceedings laban sa kanila.

Makaraan ang ilang araw, isang Hapones naman­ na si Iwasaki Kinitchi­, 53, ang nag­rek­lamo laban sa dalawang pulis­ na bumiktina sa kanya sa Makati City noong  Holy Week.

Nabatid na kinikilan nina Olivo at Medina si Kinitchi  ng P115, 000 kapalit ng kanilang  kalayaan sa kasong illegal stay.

Kamakalawa ay mu­ling kinilala si Medina na isa sa 8-pulis na nag frame-up sa turistang Hapones na si Yukiya Haga sa kasong rape nang mabigo itong magbigay ng P1 milyon.

Dinala nina PO1 Ronald Flores at PO1 Medina  ang biktima sa Ermita PNP Station 5 at kinasuhan ng rape laban  kay Raquel “Brenda” Eustaquio.

Walong pulis-Maynila ang sinasabing nagpapalitan at nakikipag-usap sa Hapones upang magbigay ng P1 milyon.

Maging si PO2 Sol Peruda ng  Women and  Children Protection Center na nagpa- follow-up ng pera sa Hapones upang hindi na maisampa ang kasong rape.

Tiniyak naman ni Lim kay Haga  at kay Japan Embassy Vice Consul Yoshikazu Narisawa na mabibigyan ng kaukulang aksiyon ang reklamo.

ALEX GUTIERREZ

CHIEF SUPT

CHILDREN PROTECTION CENTER

DIRECTOR P

HAPONES

HOLY WEEK

IWASAKI KINITCHI

JAPAN EMBASSY VICE CONSUL YOSHIKAZU NARISAWA

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with