^

Metro

Top 20 most wanted bank robber, arestado

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Na­tional Bureau of Investigation at Provincial Public Safety Company sa Misamis  Occidental PNP PRO-10 Regional In­telligence Division NCRPO at Criminal Intelligence Division ang itinuturing na ika-20 most wanted bank robber sa bansa at miyembro ng notoryus na Ampang Colangco Robbery Hold-up Gang.

Si Crispin Bongolo­ “Felix” Bacat, 43, ng Palayan Aloran, Misamis Occidental ay naaresto  sa bisa ng 4-warrant of arrest matapos ang anim na taong pagtatago sa kasong bank robbery, illegal possession of firearms at direct assault.

Sa record ng korte, si Bacat ay miyembro ng Ampang Colangco Bank Robbery Group na nakapatay sa limang security guard escort ng roving teller ng Banco de Oro at tumangay sa P36 mil­yong cash sa SM South Mall, Las Piñas City noong Agosto 7, 2004.

Nasundan ito sa PSBank Cainta branch kung saan tinangay ng grupo ang P171,000 cash noong Hunyo 27, 2007 habang P1 milyon naman ang natangay sa Land Bank of the Phils., West Ave., Quezon City branch noong Enero 22, 2008.

Aabot naman sa P2 milyon ang natangay sa Metrobank at Blue Wave Mall sa kahabaan ng Sumulong Highway sa Marikina City noong Agosto 11, 2008.   

Ayon sa NBI, naaresto si Bacat sa Purok 3, Brgy. Lower Rizal, Oroquieta City matapos isailalim sa surveillance.

Kasalukuyang naka­kulong sa NBI detencion cell ang suspect at nakatakdang ilipat sa National Bilibid Prisons (NBP) upang isilbi ang kanyang 12 hanggang 15 taong sentensya ka­ugnay sa mga kaso.

AGOSTO

AMPANG COLANGCO BANK ROBBERY GROUP

AMPANG COLANGCO ROBBERY HOLD

BACAT

BLUE WAVE MALL

BUREAU OF INVESTIGATION

CRIMINAL INTELLIGENCE DIVISION

LAND BANK OF THE PHILS

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with