Ambush: Pangulo ng asosasyon bulagta

MANILA, Philippines - Napatay ang 52-anyos na pangulo ng homeowners association matapos pagbabarilin ng ’di-kilalang lalaki sa bahagi ng Brgy. Tonsuyo sa Malabon City kahapon ng hapon. Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Eduardo Alvarez, nakatira sa  Flovi Homes sa nabanggit na barangay. Sa sketchy report ng Malabon City PNP, naganap ang pamamaslang dakong alauna ng hapon habang naglalakad ang biktima may ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay. Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa pagiging presidente ng nasabing asosasyon kaya pinatay ang biktima.

Show comments