MANILA, Philippines - Inatasan na kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang hepe ng Manila Police District (MPD) director na si P/Chief Supt. Alejandro Gutierrez ang malalimang imbestigasyon laban sa tatlong pulis-Maynila na isinasangkot sa kasong hulidap na inireklamo ng isang turistang Hapones.
Ito ang lumalabas sa idinulog na reklamo kay Lim ni Yukiya Haga, 40, at pansamantalang nanunuluyan sa Bayview Park Hotel sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila.
Sa salaysay ng biktima sa pulisya sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Jose Zunaba at Japan Embassy Vice Consul Yoshikazu Narisawa, na nagsabing biktima siya ng ‘frame-up’ ng mga pulis na sina PO1 Ronald Flores, PO1 Vincent Paul Medina at PO2 Sol Peruda.
Ang biktima ay dinala sa Ermita PNP Station 5 kung saan kinasuhan ng rape laban sa 17-anyos na babae. Sinasabing hinihingan ng P1 milyon ang biktima para mapalaya at kung hindi makapagbigay ay itutuloy ang kasong rape.
Samantala, hindi naman nakuha ang panig ng mga suspek kaugnay ng nasabing isyu.