^

Metro

3 pulis-Maynila isinangkot sa hulidap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inatasan na kahapon  ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang hepe ng Manila Police District (MPD) director na si P/Chief Supt. Alejandro Gutierrez ang malalimang imbestigasyon laban sa tatlong pulis-Maynila na isina­sangkot sa kasong hu­lidap na inireklamo ng isang turistang Hapones.

Ito ang lumalabas sa idi­nulog na reklamo kay Lim ni Yukiya Haga, 40, at pan­samantalang nanunuluyan sa Bayview Park Hotel sa  Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Jose Zunaba at Japan Embassy Vice Consul Yoshikazu Narisawa, na nagsabing biktima siya ng ‘frame-up’ ng mga pulis na sina PO1 Ronald Flores, PO1 Vincent Paul Medina at PO2 Sol Peruda.

Ang biktima ay dinala sa Ermita PNP Station 5 kung saan kinasuhan ng rape laban sa 17-anyos na babae. Sinasabing hini­hingan ng P1 milyon ang biktima para mapalaya at kung hindi makapagbigay ay itutuloy ang kasong rape.

Samantala, hindi naman nakuha ang panig ng mga suspek kaugnay ng na­sabing isyu.

ALEJANDRO GUTIERREZ

BAYVIEW PARK HOTEL

CHIEF SUPT

ERMITA

JAPAN EMBASSY VICE CONSUL YOSHIKAZU NARISAWA

JOSE ZUNABA

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

RONALD FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with