^

Metro

Ama inutas ng kaaway ng anak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ilang oras lamang ang nakalipas matapos maki­pag-away ang anak, na­tagpuang patay at tadtad ng saksak ang ama nito na pedi­cab driver, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Sr.Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section  ang biktima na si Gre­gorio Alcantara, 56, ng Bldg.8 Room 221 Permanent Housing­, Vitas,Tondo.

Suspect sa pagpatay ang isang  Ernesto “Toto” Bucad,  ng Bldg. 10,  Permanent Housing, Vitas, Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuang nakalugmok at tadtad ng saksak sa katawan ang biktima  sa  harap ng Bldg. 4 at Bldg. 8 ng nasabing gusali.

Nabatid na nakaaway ng anak ng biktima ang suspect kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga ay nakita na lamang na walang buhay ang biktima.

Ilang residente ang naka­pagsabi sa imbes­tigador ng pangalan ng suspect, na nakaaway mismo ng anak ng biktima.

Hinihinalang ang naging away ng anak ang sanhi ng pagresbak sa biktima ma­tapos hindi na ito lumutang pa sa lugar ang suspect.

vuukle comment

BIKTIMA

BUCAD

ERNESTO

HINIHINALANG

ILANG

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MILBERT BALINGGAN

PERMANENT HOUSING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with