^

Metro

'Common CR' sa Maynila ibinawal

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang opisyal ng Manila City Hall sa mga negosyante at may-ari ng mga restaurant sa lungsod na ipagbawal ang ‘common CR’ upang mapanatili ang kalinisan at anumang uri ng pambabastos.

Ayon kay City Administrator Jesus Mari Marzan, dapat lamang na hiwalay ang CR ng lalaki at babae­ sa mga restaurant o fast food chain upang mas maipatupad ang kaayusan at kalinisan sa mga guma­gamit nito.

Maiiwasan din nito ang anumang pambabastos o paninilip ng mga kalalakihan sa mga kababaihan kung magkakadikit ang mga CR.

Aniya, malaking tulong din ito upang dumami ang mga customer ng mga restaurant dahil hygiene ang isa sa mga tinitingnan ng mga customer.

Paliwanag ni Marzan, ilan sa mga establisim­yento sa lungsod ay iisa lamang ang CR kung kaya’t huma­haba ang pila sa pag­hihintay ng gagamit ng palikuran­.

Giit ni Marzan, maging ang city government ay nagpa­patupad ng hiwalay na CR sa ilang pam­publikong lugar sa lungsod upang ma­iwasan ang anumang insidente ng pambabastos at mapanatili ang kalinisan.

ANIYA

AYON

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

GIIT

MAIIWASAN

MANILA CITY HALL

MARZAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with