^

Metro

150 pamilya nasunugan sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Aabot sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang kanilang tahanan sa kasagsagan ng matinding init ng panahon sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ayon kay Sr. Supt. Bobby Baruelo, District fire chief, may 60 kabahayan ang naabo sa sunog na naganap sa may Agham Road, Brgy. Bagong Pag-asa sa lungsod.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Marcos­ Monterola sa #131 ng nasabing barangay ganap na alas-2 ng hapon. Diumano, nakitang umu­usok sa ikalawang palapag na bahagi ng bahay ni Monte­rola hanggang sa tuluyang mag­la­gablab.

Dala ng tindi ng init ng pa­nahon, tuluyan nang umalagwa ang sunog at dahil pawang dikit-dikit ang mga kabahayan ay nagtuluy-tuloy ito hanggang sa umabot sa Task Force Alpha.

Sinasabi ring may fire station sa kalapit na nasusunog na lugar, pero dahil iisa lamang ang firetruck dito, hindi naka­yanan ang malaking apoy sanhi para hindi agad ito maapula.

Ganap na alas-3 ng hapon nang tuluyang ideklarang fire­­out ang nasabing sunog habang wala namang iniulat na nasaktan o nasawi dito.

Tinatayang aabot sa P3 mil­yon ang halaga ng napinsala sa nasabing sunog, habang ina­alam pa ang ugat nito.

AABOT

AGHAM ROAD

AYON

BAGONG PAG

BOBBY BARUELO

BRGY

DALA

SHY

SR. SUPT

TASK FORCE ALPHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with