^

Metro

2 suspect sa Robinson's Galleria kinasuhan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong robbery with homicide ng Quezon City Police District ang dalawang naares­tong suspect na sangkot sa pang­hoholdap sa Robinson’s Galle­ria noong Marso 29.

Ayon kay Chief Ins. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng Quezon City Police District, maliban sa kaso sa Robinson’s Galleria, isina­sangkot din ang da­lawa sa tatlong insidente ng pamamaril noong nakaraang taon kabilang ang dalawang robbery.

Sinabi ni Marcelo, kinumpirma ng Security Bank officials na ang mga suspect na sina Willy Enriquez at Ireneo dela Cruz ay nagawang makatangay ng may P14 milyon cash na dapat sana ay idideliber sa Sanry’s Money Changer outlet sa Ro­binson’s Galleria.

Aniya, kasama nina Enriquez at Dela Cruz, ang dalawa pang suspect, kabilang sina Roger Solapco at Alexander Montejo.

Ibinunyag ni Marcelo na si Enriquez ay natukoy sa dalawa pang insidente ng panghoholdap noong nakaraang taon habang si Dela Cruz ay nakita na siyang bumaril at nakapatay sa isang lalaki sa San Pedro, Laguna.

 Ayon naman kay SPO4 Allan dela Cruz, hepe ng Theft and Robbery Section, base sa kanilang records si Enriquez ay positibong kinilala sa panghoholdap sa ER Money Changer sa Ro­binson’s Fairview noong  December 8 at ang robbery sa Robinson’s Dasmariñas, Cavite noong nakaraang Disyembre 29.

Isang empleyado ng ER Money Changer ang nasawi habang aabot sa P7.5 milyon cash ang nakuha sa Robinson’s Fairview, habang dalawang security guard at isang teller naman ang nasawi sa panghoholdap sa Robinson’s Dasmariñas.

Sinabi pa ni SPO4 Dela Cruz na si Ireneo ay nakilala bilang gunman at nakapatay kay Rufino Binay noong March 28, 2011 sa Brgy. Bartolome sa San Pedro, Laguna.

Giit ng opisyal, ang da­lawang suspect ay miyembro ng Ozamis robbery group kung saan si Enriquez ay pinaniniwalaang naging isa sa mga lider.

Nabatid ni Dela Cruz mula kay Enriquez na ni-recruit ng isang lalaki na nakilala sa alyas na Maning na itinuturing na  pangalawa sa pinuno ng Ozamis group.

Bukod pa rito, sabi pa ni Dela Cruz, si Enriquez ay re­gular na tumatanggap ng pera mula sa contact nito sa Ozamis.

ALEXANDER MONTEJO

AYON

DELA CRUZ

ENRIQUEZ

MONEY CHANGER

OZAMIS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with