^

Metro

U-turn slots sa Metro Manila papalisin

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nangako kahapon ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) na tatapusin nila bago sumapit ang pasukan ang pagsasaayos sa mga “U-turn slots” na inilagay noon pang panahon ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando na sinasabing hindi na epektibo sa Kamaynilaan.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na magbabawas sila ng U-turn slots, habang i-aadjust at papalitan ang ilan para makasabay sa pagbabago ng daloy ng trapiko ngayon sa Metro Manila.

May mga pag-aaral umano na ang marami sa mga U-turn slots ay hindi na akma sa kasalukuyang daloy ng trapiko kung saan karamihan sa mga moto­rista ay hindi disiplinado.

Tiniyak naman ni Tolentino na dadaan sa tamang proseso ang pagsasaayos ng mga U-turn slots at hindi bibiglain sa implementasyon.

Samantala, maglalagay naman ng “courtesy lane” sa kahabaan ng Roxas Boulevard para sa mga delegado ng Asian Deve­lopment Bank 45th Annual Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City mula Mayo 2 hanggang 5.

Isang lane umano ng Roxas Boulevard ang ibibigay na eksklusibo sa mga delegado patungo sa PICC mula sa kanilang hotel.  Ito’y sa kabila ng mabigat na ring daloy ng trapiko na nararanasan sa naturang kalsada kada araw.

Nasa 4,000 lider, mga senior official at business leaders mula sa iba’t ibang bansa ang inaasahang dadalo sa naturang pagpupulong.

ANNUAL MEETING

ASIAN DEVE

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVE

PASAY CITY

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with