^

Metro

2 traffic enforcer tiklo sa pangongotong

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority­ (MMDA) matapos na ireklamo ng pango­ngotong ng negosyanteng babae sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Lino Banaag, hepe ng Laloma PNP Station ang mga suspect na sina Roderick Bunao at Guillermo Acosta.

Ang dalawang suspek ay inaresto matapos magreklamo ang biktimang si Melba Almendras, 46, ng #7236 Ansures Street sa Sampaloc, Manila.

Si Almendras na nagmamaneho ng Mitsubishi Lancer na may commemorative plate na QCPD ay sinita ng mga suspek.

Sinasabing sa halip na isyuhan ng traffic violation ay sinasabing humingi ang biktima ng P500 kaya dumulog na ito sa himpilan ng pulisya.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya at naaresto ang mga suspek sa panulukan ng Sgt. Rivera at A. Bonifacio Avenue sa Brgy. Pag-ibig ng Nayon.

Nabatid sa ulat na matapos ang paghaharap ng magkabilang panig, nagpasya ang negosyante na iurong ang paghahain ng reklamo laban sa dalawang traffic enforcer makaraang isauli sa kanya ang nabanggit na halaga.

vuukle comment

ANSURES STREET

BONIFACIO AVENUE

GUILLERMO ACOSTA

LINO BANAAG

MELBA ALMENDRAS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MITSUBISHI LANCER

QUEZON CITY

RODERICK BUNAO

SI ALMENDRAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with