Life sa 2 kidnaper ng Tsinoy architect
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang mabubulok sa kulungan ang dalawang lalaki na napatunayang dumukot sa Tsinoy architect noong 2008 matapos hatulan ng mababang korte ng habambuhay na pagkabilanggo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sa desisyon ipinalabas ni Judge Henry Jean Paul Inting ng Quezon City Regional Trial Court Branch 95, hinatulan ang mga akusadong sina Ryan Domla at Cristopher Nanson sa kasong kidnapping at pagkulong kay Kakuen Chuna ng 17-araw sa loob ng kanilang safehouse sa QC.
Bukod sa life imprisonment, pinagbabayd din ang mga akusado ng P50,000 bilang moral damages at P300,000 bilang actual damages sa bikitma.
Ang isa pang akusado sa kaso na si Christopher Olaguera ay nananatiling nakakalaya.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si Teresita Ang-See, founding chairman of the Movement for Restoration for Peace and Order sa naging desisyon ng korte.
- Latest
- Trending