^

Metro

32-anyos inutas dahil sa pera

- Ni Lordeth Bonilla at Shella Mae Alpajaro -

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 32-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kinakasama ng kanyang kapatid na babae kamakalawa sa Valenzuela City.

Idineklarang patay sa Valenzuela Medical Center dahil sa saksak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Joel Nicolas ng Palanas, Don Pablo Rincon sa nabanggit na lungsod, nagtamo ito ng saksak sa kaliwang dibdib.

Nasakote naman ang suspek na si Franklin Maraasin, 34, ng Ulingan West, Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City.

Sa inisyal na ulat ng Station Investigation Division (SID), naganap ang krimen dakong alas-2:30 ng hapon sa bahay ng kapatid ng biktima na si Lyn Francisco sa Palanas Street.

Nabatid na kinompronta ni Lyn ang biktima dahil sa nawawala nitong pera kung saan pinagbitangan ang kanyang kapatid (Joel) ang kumuha.

Habang nagtatalo ang magkapatid na Joel at Lyn, dito na nakialam ang suspek na si Maraasin (live in partner ni Lyn) hanggang sa nagkasuntukan ang mga ito, at nang makahagilap ng patalim ang suspek, inundayan nito ng saksak ang biktima.

vuukle comment

DON PABLO RINCON

FRANKLIN MARAASIN

JOEL NICOLAS

LAWANG BATO

LYN FRANCISCO

PALANAS STREET

STATION INVESTIGATION DIVISION

ULINGAN WEST

VALENZUELA CITY

VALENZUELA MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with